MENU

 

42

 

Muling nananawagan ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of Civil Defense (OCD) sa publiko na makilahok sa First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill o NSED ngayong taon.

Nakatakdang isagawa ang online NSED sa Marso 10, 2022, alas nuwebe nang umaga. Magsisimula ang programa nang alas otso at live na mapapanood sa NDRRMC at Civil Defense PH Facebook pages.

Kaugnay ng First Quarter NSED, gaganapin din sa Marso 7, 2022 ang disaster preparedness webinar na nakatuon sa kahandaan ng mga kakabaihan, mga bata, kabataan, mag-aaral, at senior citizens.

Patuloy rin ang panawagan sa publiko na maging handa anumang oras at makiisa sa mga programa at aktibidad na may layuning paigtingin ang kahandaan ng bawat indibidwal at pamilya mula sa banta ng lindol at iba pang panganib.

Ito ang ika-pitong online NSED na isasagawa ng NDRRMC mula noong taong 2020 nang magsimula ang pandemya.

#NSED2022 #BidaAngHanda